Monday, October 12, 2015

Mahal ko

Sana mabasa mo ito. Alam ko Iam so hard sayo .. hindi ko dapat ito ginagawa sayo. Hnd mo naman yon deserve eh. Pero sobra lng tlga ako nasasaktan. Naipon lang siguro o kaya namiss ko yong dating ako. Maniwala ka .. hindi ako masamang tao. 
Hindi ko gusto yong ginagawa at sinasabi ko. Mula kahapon bawat sabihin ko pinagsisihan ko. Iam wasted. Iam weak. Hindi ko alam san nanggagaling yong sakit.. yong galit. Yong sama ng loob. Maniwala ka hindi grabe yong ginawa mo sakin para magkaganito ako. Mahina lang tlaga ako.

Mahina ako pagmahal ko yong nanakit at binubully ako. Madali ako mapagod. Gusto ko lng naman maging masaya .. tanggapin  kung sino ako. Yong taong magpapahalaga sakin. Yong hindi ako parating paghahanapan, pagdududahan.

Maniwala ka lahat ng yan binigay mo naman sakin .sobra sobra pa nga. Siguro minsan sa sobrang sanay lng ako na magisa . Hindi ko lng pa siguro nakikita na balang araw may isang tao na minsan mas uunahin ko kaysa sa gusto kong gawin. Nasasaktan ako sa ideyang lahat na lang ba ng pagkukulang ko kailangan ko maramdaman . Nasasaktan ako kasi mramdamin tlga ako.

Siguro kasi buong buhay ko hindi ko naramdaman na mahalin kahit nino man.

Nasasaktan ako kasi ikaw yong nagparamdam non sakin nadapat ako mahalin.  Pero sa isang banda sayo ko din naramdaman kahinaan ko.. sayo ko naramdaman na totoo nga pa lang walang nagmamahal sakin. Bukod sayo may iba pa ba ako nakakausap? Bukod sayo may nagpaparamdam ba sakin na mahalaga ako? Natatakot ako at nasasaktan. Kasi alam ko malapit na naman ako magisa. Yon siguro kaya wasted ako.. sorry sa lahat lahat. Hnd mo ako responsibilidad.

Ayaw ko na sisihin mo sarili mo. Mali yon. Nagbigay ka naman. Mahina lng ako at duwag. Sorry. Sabawat araw na daraan . Ayaw ko na may dadalhin ka. Pwede mo muna ako kalimutan. Pag ok ka na....Saka tayo magusap. Tignan mo kung ang isang tulad ko........ Kakayanin mo pa bang mahalin. 

Saturday, October 10, 2015

Anino

Kung may isang araw sa buhay ko.
Pipiliin ko na maging isang damdamin.
Yong damdaming walang lungkot. 
Yong damdaming walang pagdadalawang isip.
Yong tipong sigurado
Yong parang isang anino
Walang anyo
Walang itsura
Nasa lugar
Pero alam mo kung saan galing
Hindi nagkukubli
Katulad ng ngiti
Hindi sasadyain
Hindi hahanapin
Nais ko maging damdamin
Kahit takot ako 
Kahit hindi ako sigurado
Kahit mahihirapan ako
Hindi ako bibitaw
Dahil gusto ko maging damdamin
Damdaming tulad ng anino
Kahit hindi mo sigurado
Kahit wala akong anyo
Maniniwala kang masaya ako
Mapapasaya ka
Kahit wala sa lugar
Kahit hindi mo sigurado
Papaniwalaan mo
Dahil ako ito
Hindi kung sino
Damdamin ko may tila anino.
Na binuo mo.
Na kahugis mo
Dahil ito ang damdaming kaya ko.



Alipin

Pinipilit ko na maging iyo
Sa bawat araw
Sa bawat oras
Nahihirapan ako
Nagdurusa
Ngunit para ito sayo
Pipilitin ko hanggat kaya ko maging iyo


Nagkukulong ako sa dilim
Lumuluha
Naghihintay
Kahit paghinga hirap ako
Lakas ko`y gumuguho
Nahihirapan
Ngunit ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng isip ko


Kinakalimutan ko maging masaya
Sa harap ng mga taong hindi mo kilala
Iiwas ako
Lilimutin ko
Masakit
Hindi ako ito
Magiisa
Mangangapa
Dahil ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng puso ko


Hindi ito kaduwagan
Pinipili ko ang landas na ito
Ito din ang gusto ko
Dahil para ito sayo
Kung hindi ko kayanin
Akoy patawarin mo
Baka hindi nga ako sapat
Baka kinukulang ako bilang tao
Pero pipilitin ko dahil ito ang gusto mo