Wednesday, November 25, 2009

ALUMNI AKO SA LOPEZ HIGH

Isang pagpupugay sa aking pinagmulan
Dalangin ko sana akoy iyong pagbigyan
Sa pagkakahubog mo’y natutong lumaban
Hinarap ang hamon ng sangkatauhan

Natatandaan ko pa taong Dalawang Libo at Isa
Ako sayo’y nagtungo Nais na magpalista
May ngiti sa labing akoy iyong isinama
Sa bilang na ang lahat ay tila mahalaga

Noo’n akoy isa pa lamang musmos
Wala pang kakayanan at tibay ng loob
Bulag pa sa pagasa at pangarap na lubos
Nais lamang ay saya isang pagbubuklod

Sayo ko natutunan mahuhusay na kaalaman
Mula sa mga asignatura uloy nagkalaman
Sa pagsusunog ng kilay ako ay nilinang
Pinatatag ang puso sa hamon ng buhay

Bawat guro ko’y minahal akong lubos
Utang ko sa kanila di matatawarang lugod
Bawat Ngiti nilay binaon ko’t handog
Pagasang binuo sa kanilay syang sagot.

Sa pagwawalay namin nitong Inang Paaralan
Tumatak sa isip pusoy dapat na ilaan
Mag aral ng mabuti sa koleheyo’y itanghal
Tuparin ang pangarap ng LNCHS kong mahal

At Ngayon ako ay magbabalik muli
Makalipas ang taong kaybilis bumati
Di man dala karangyaang binhi
Nagtagumpay ako sa layon kung munti

Tunay ngang kahiripay di naman sagabal
Sa pagabot nitong pangarap na tinanghal
Basta’t ang pusoy may dalang pag asa
Tiwala sa Diyos at Pagibig ay sapat na

Muli kong ipagbubunyi ang aking pagbabalik
Sanay di lamang ako maganda ang nasapit
Sanay dating barkadahan kasama sa pagkamit
At paghahandog ng tagumpay na sinapit

At sa huliy hihilingin kong muli sating Poon
Pagbibigkis ng pusoy sya na sanang tugon
Ipagsisigawan sa mundo ang ang layon
Alumni ako ng LNCHS habang panahon













Friday, November 13, 2009

ANG PAGKAKAIBIGAN

(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na ano pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.





Friday, November 6, 2009

Sa Pagawa ng MABUTI

Sa Pagawa ng Mabuti:

“ Pinaplano ang lahat ng bagay, kinukuha ang bawat detalye , isinasaisip ito at sa huliy dapat isa buhay”

-“Dapat lagi kang handa at nauunang tumulong sa biglaang pangangailangan. “

Ngunit ,paano kung ang kailangan nya ay iyong wala ka o kayay salat ka din?

- Dapat marunong kang magparaya lalo na kung mas may kakayanan ka namang mas tugunan ng madalian ang gayong pangangailangan.

Eh kung tulad ko rin lang sya na sa ngayoy nahihirapan ngunit bukas eh matutugunan din agad ang suliranin naming dalawa? Dapat ko pa bang ipaubaya ang tugon sa problema ko at ibigay sa kanya?

- Madami tayong dapat isakripisyo , kahit na minsan itoy sarili na nating panganagilangan. Doon tayo mas sasaya o kayay mas magiging komportabale.

Hindi ko pa rin maiintindihan paano ka sasaya sa isang bagay na maapektuahn ang kaligayahan mo, yon bang sa pagbigay mo na tulong ikaw ang hindi ngingiti at minsan nag ikaw pa ang magsisi at iiyak.

- Halo halo talaga ang mga emosyon, dapt tanggapin mo na kaakibat ng pagtulong ang mas mabigat na responsibilidad.

Eh mahirap pala ang gumawa ng mabuti at magpasaya ng iba!!!

- Hindi mo dapat isipin na sa mga sakripisyo mo hirap lamang ang iyong tatamasain, spagakat walang mahirap na gawain pag itoy gusto mo at walang halong pagsisi matapos isagawa ito.

Pag kaya ako naman ang nangailangan matapos ko silang tulungan at pasayahin , maaasahan ko kaya sila?

-Hindi ka dapat naghihintay ng kapalit o pabuya sa iyong ginawa, isang bagay lamang ang sigurado ko, sa bawat pagpapsaya mo, tiyak na masaya ka din at sa bawat pag abot mo ng kamay mo siguradong mararamdaman mo din ang katugunan sa kanilang dinadalang agam agam. Hindi bat masarap na maramdaman ang gayon?

Wala pa lang mapapala sa ganitong Gawain, puro salamat lang at pakiramdaman.

- Sapat na makarinig ka ng salamat o kaya’y makaaninag ka ng ngiti sa kanilang mga labi. Dito mo masusukat ang iyongg sarili sa hangganang iyong nais mabatid.

Naku, ayaw ko ng madamay pa , masaya na ako ngayon, may kaibigan ako, maganda na ang trabaho ko, sapat na hindi ako nakakasakit at di ko natatapakan ang kanilang pamumuhay, Sapat na nabubuhay ako sa malinis na paraan at mamatay akong malinis ang aking budhi.

- Kahit na masaya ka na at malayo na ang narating ng iyong pagsisikap, matuto ka pa ding makibahagi sa mundong iyong ginagalawan, sapagkat bawat desisyon ng iyong nakakasalamuha ay may epekto sa pagtakbo ng sinasabi mong masayang pakikibaka.


Alamin mo din na hindi lamang masaya ang buhay , kunin mo din ang madalim na bahagi nito at kaagad ituwid. Doon mo din masasabi na sapat na ako bilang tao, kapag madami kang naiambag sa lipunang iyong ginagalawan. Pag aralan mo ding magpasalamt sa iba lalo na at natutulungan ka nilang maging masaya. Lipulin mo ang sama ng loob sa iyong dibdib sapagkat walang maidudulot na mabuti ang gayong pakiramdam. Gawin mo na ngayon, wag ka ng magpabukas pa sapagkat lahat ay walang kasiguraduhan , lamang sigurado na kung may bukas pa dapat gagawa ka muli ng kabutihan. Kabutihang hindi lamang ikaw ang sasaya, kabutihang may kaakibat na responsibilidad na sa huliy lahat ay makikinabang. “ Salamat kaibigan, sana’y palagi kang masaya san ka man ngayon”..jlopalsa