Tuesday, March 9, 2010

Gumising Ka!!!

Nakita kita sa banding itaas
Dala mo yaong bagay na kaybigat
Nakita kitang hirap na hirap
Lalo na noong ikay umiiyak.

Natanong kita sa iyong kalagayan
Tanging ngiti lamang aking namulatan
Langit ay tila yata sayo’y nagdaramdam
Ulang dapat ay pumapatak ayaw magparamdam

Namagitan sa atin ay kalungkutan
Sa bandang palusong ikaw ay nagtanong
Masaya ka ba kahit na gayon?
Pag asay wala na , Paibig sa Poon?

Sadyang ako’y biglang nabalisa
Hinagilap ang ngiti pamatong sa mukha
Tinapik ang balikat kausap koy dukha
Ayaw ng Pagasa ayaw pa sa Himala


Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan
Ikaw pala itong tunay na makasalanan
Dali mo’y galit nais ay masaktan
Ayaw sa kapwang magbigay kapatawaran

Kung ang yong dinadalay tunay na mabigat
Ka awa- awa ka kung sa pagibig ay salat
Luha moy sayang , ilaan sa pagmulat
Doon sa itaas ibalik ang pangungusap!

Monday, March 1, 2010

Sino ang Makapagpapasaya?


Ako.
Ang makapagpapasaya.
Sa ako?
Ikaw o ako?:
Masaya ka ba?
Maysasaya pa ba sa ikaw?
Kung ako?
Ano ba ang masaya?
Sino ba ang masaya?
Tayo ba?
Sila ba?
Doon ba?
Siguro ikaw?
Pwede ring ako?
Marahil hindi.
Ikaw!
Lalong…!
Ako?
O sila?
Ang makapagpapasaya?
Sa kanya!
O…
Sa akin.
Ikaw o ako.
Ikaw na nga!
Ang masaya ay ikaw.
Hindi ako
O…
Sila.
Lalong hindi ang Doon!
Dahil ikaw!
Ang.
Makapagpapasaya.
Ako ba?
O…
Ikaw?
Ikaw ba yon?
O…
Ako?
Tinitignan nga.
Kita.
Baka ikaw?
Di kita masilayan?
Dahil
Sa
Ako!
Ang makapagpapasaya
Sa
Ikaw.
O…
Ikaw ba?
Hindi siguro?
Ikaw na sana?
O baka sila?
A baka ako?
Ikaw din?
O…
Ako.
Ang makapagpapasaya ay sila.
Ba?
Baka doon?
O…
Saan?
O..
Sino?
O
Paano?
Baka ako?
At…
Ikaw?
Ang makapagpapasaya…
Sa…
Mundo
Ni
AKO.