Friday, November 13, 2009

ANG PAGKAKAIBIGAN

(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na ano pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.