Thursday, April 29, 2010

Muling Pagsilang

Sanggol na walang malay
Inang nakahimlay
damdaming makulay
pusong naghihintay

Inang nagdusa
Binigyan ng pagasa
Puno ng ligaya
Buhay anong saya

Sapat na ang ngiti
Iganti sa pighati
iyak na pambawi
binuo ang sandali

Noo'y nakangiti
mundo'y binabati
kusang namulat
sa pag-ibig ay di salat

Hikbing umalingawngaw
Musikang anong bughaw
Dugong nakabalot
Sa katawan mong dulot

Nilirip na pangalan
Nalilitong isipan
Bubo’t na kalamnan
Bisig ang syang unan

Panahoy lilipas
Lalakit lilikas
Kataway aalpas
Hahanap ng armas

Sa mundo’y haharap
Buo ang pangarap
Namulat sa hirap
Nais itong sarap

Ngayoy inay nagiisa
Bisig ay pagal pa
Hanap yaong iniluwal
Maghihintay sa pagtunghay

Muling magtitiis
Sakit ay magbabalik
Dusay muling sasapit
Magkukubli sa panaginip

At sa bawat sakit
Supling ang tinatangis
Nais yaong halik
At dantay ng kanyang bisig

Bakit ganon ang palad
Nitong Inang tumupad
Bawat gabiy naging ganap
Bawat araw isang iglap


Bata noong ikaw ay iluwal
Pagasa nyay naging ikaw
Hikbing noo’y umalingawngaw
Bumuo sa isang pagmamahal


Sadya bang ito ang hangad
Kapalarang walang ingat’
Ibinigay ng Ina ang lahat
Sa anak na nagtangis


Tunay na ang kapalara’y
Mapaglaro’t mapagbigay
Doon ako sa tagumpay
Doon ako sa pagsikhay

Ina may naghihirap
Ina may wala nang pangarap
Ina paring sasapit ka’t
Sa langit ay dingging ganap!!!