Monday, May 24, 2010

Ikaw ay ako

Pagluhay hindi kahulugan ng pagdurusa at pagtangis manapa'y hudyat ito ng paguumapaw ng damdaming kinurot ng emosyon.
Luhay dumadaloy sa ating mag pisngi at ito'y patuloy na dadaloy sa bawat bahagi ng ating katawan kung may laang daan upang itoy magpatuloy.
Lilikha ako ng isang bahagi ng aking luha. Likhain natin ang aking bawat pagsuong . Doon tayo magkita at doon tayo magsilbing bahagi ng bawat isa.
Kukunin ko ang lilipas at hahabulin mo ang nakaraan upang itoy ating maipagpatuloy at muli'y magsilbing ugat ng ating muling pagluha.
Kunin mo ang sandaling akoy nagiisa upang sa bawat paglikha moy magsilbi mo akong gabay at tagatangis sa iyong pagdurusa.
At magkusa tayong maging masaya upang sa ating pagdadaop palad ay may kikislap na luhang dadaloy mula sa ating mga mata.