Wednesday, November 25, 2009

ALUMNI AKO SA LOPEZ HIGH

Isang pagpupugay sa aking pinagmulan
Dalangin ko sana akoy iyong pagbigyan
Sa pagkakahubog mo’y natutong lumaban
Hinarap ang hamon ng sangkatauhan

Natatandaan ko pa taong Dalawang Libo at Isa
Ako sayo’y nagtungo Nais na magpalista
May ngiti sa labing akoy iyong isinama
Sa bilang na ang lahat ay tila mahalaga

Noo’n akoy isa pa lamang musmos
Wala pang kakayanan at tibay ng loob
Bulag pa sa pagasa at pangarap na lubos
Nais lamang ay saya isang pagbubuklod

Sayo ko natutunan mahuhusay na kaalaman
Mula sa mga asignatura uloy nagkalaman
Sa pagsusunog ng kilay ako ay nilinang
Pinatatag ang puso sa hamon ng buhay

Bawat guro ko’y minahal akong lubos
Utang ko sa kanila di matatawarang lugod
Bawat Ngiti nilay binaon ko’t handog
Pagasang binuo sa kanilay syang sagot.

Sa pagwawalay namin nitong Inang Paaralan
Tumatak sa isip pusoy dapat na ilaan
Mag aral ng mabuti sa koleheyo’y itanghal
Tuparin ang pangarap ng LNCHS kong mahal

At Ngayon ako ay magbabalik muli
Makalipas ang taong kaybilis bumati
Di man dala karangyaang binhi
Nagtagumpay ako sa layon kung munti

Tunay ngang kahiripay di naman sagabal
Sa pagabot nitong pangarap na tinanghal
Basta’t ang pusoy may dalang pag asa
Tiwala sa Diyos at Pagibig ay sapat na

Muli kong ipagbubunyi ang aking pagbabalik
Sanay di lamang ako maganda ang nasapit
Sanay dating barkadahan kasama sa pagkamit
At paghahandog ng tagumpay na sinapit

At sa huliy hihilingin kong muli sating Poon
Pagbibigkis ng pusoy sya na sanang tugon
Ipagsisigawan sa mundo ang ang layon
Alumni ako ng LNCHS habang panahon













Friday, November 13, 2009

ANG PAGKAKAIBIGAN

(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na ano pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.





Friday, November 6, 2009

Sa Pagawa ng MABUTI

Sa Pagawa ng Mabuti:

“ Pinaplano ang lahat ng bagay, kinukuha ang bawat detalye , isinasaisip ito at sa huliy dapat isa buhay”

-“Dapat lagi kang handa at nauunang tumulong sa biglaang pangangailangan. “

Ngunit ,paano kung ang kailangan nya ay iyong wala ka o kayay salat ka din?

- Dapat marunong kang magparaya lalo na kung mas may kakayanan ka namang mas tugunan ng madalian ang gayong pangangailangan.

Eh kung tulad ko rin lang sya na sa ngayoy nahihirapan ngunit bukas eh matutugunan din agad ang suliranin naming dalawa? Dapat ko pa bang ipaubaya ang tugon sa problema ko at ibigay sa kanya?

- Madami tayong dapat isakripisyo , kahit na minsan itoy sarili na nating panganagilangan. Doon tayo mas sasaya o kayay mas magiging komportabale.

Hindi ko pa rin maiintindihan paano ka sasaya sa isang bagay na maapektuahn ang kaligayahan mo, yon bang sa pagbigay mo na tulong ikaw ang hindi ngingiti at minsan nag ikaw pa ang magsisi at iiyak.

- Halo halo talaga ang mga emosyon, dapt tanggapin mo na kaakibat ng pagtulong ang mas mabigat na responsibilidad.

Eh mahirap pala ang gumawa ng mabuti at magpasaya ng iba!!!

- Hindi mo dapat isipin na sa mga sakripisyo mo hirap lamang ang iyong tatamasain, spagakat walang mahirap na gawain pag itoy gusto mo at walang halong pagsisi matapos isagawa ito.

Pag kaya ako naman ang nangailangan matapos ko silang tulungan at pasayahin , maaasahan ko kaya sila?

-Hindi ka dapat naghihintay ng kapalit o pabuya sa iyong ginawa, isang bagay lamang ang sigurado ko, sa bawat pagpapsaya mo, tiyak na masaya ka din at sa bawat pag abot mo ng kamay mo siguradong mararamdaman mo din ang katugunan sa kanilang dinadalang agam agam. Hindi bat masarap na maramdaman ang gayon?

Wala pa lang mapapala sa ganitong Gawain, puro salamat lang at pakiramdaman.

- Sapat na makarinig ka ng salamat o kaya’y makaaninag ka ng ngiti sa kanilang mga labi. Dito mo masusukat ang iyongg sarili sa hangganang iyong nais mabatid.

Naku, ayaw ko ng madamay pa , masaya na ako ngayon, may kaibigan ako, maganda na ang trabaho ko, sapat na hindi ako nakakasakit at di ko natatapakan ang kanilang pamumuhay, Sapat na nabubuhay ako sa malinis na paraan at mamatay akong malinis ang aking budhi.

- Kahit na masaya ka na at malayo na ang narating ng iyong pagsisikap, matuto ka pa ding makibahagi sa mundong iyong ginagalawan, sapagkat bawat desisyon ng iyong nakakasalamuha ay may epekto sa pagtakbo ng sinasabi mong masayang pakikibaka.


Alamin mo din na hindi lamang masaya ang buhay , kunin mo din ang madalim na bahagi nito at kaagad ituwid. Doon mo din masasabi na sapat na ako bilang tao, kapag madami kang naiambag sa lipunang iyong ginagalawan. Pag aralan mo ding magpasalamt sa iba lalo na at natutulungan ka nilang maging masaya. Lipulin mo ang sama ng loob sa iyong dibdib sapagkat walang maidudulot na mabuti ang gayong pakiramdam. Gawin mo na ngayon, wag ka ng magpabukas pa sapagkat lahat ay walang kasiguraduhan , lamang sigurado na kung may bukas pa dapat gagawa ka muli ng kabutihan. Kabutihang hindi lamang ikaw ang sasaya, kabutihang may kaakibat na responsibilidad na sa huliy lahat ay makikinabang. “ Salamat kaibigan, sana’y palagi kang masaya san ka man ngayon”..jlopalsa

Sunday, October 25, 2009

Sulo " Maalala Mo Kaya" Epesode last October 24,2009

“SULO”


This Saturday, October 24, on Maalaala Mo Kaya, critically-acclaimed actress Irma Adlawan plays the role of Chato, a teacher who has never thought of leaving her pupils despite the lack of facilities and supplies in their school. Located in a distant and poverty-stricken barrio, she is the only one left to make sure that the children there would get a good education.
A twist of fate brings the young and well-off Jean (Cristine Reyes) to the barrio and Chato does not take to the idea of having to work with someone like her. They eventually set their differences aside though when they decided to help the pupils improve their performance so they could pass the annual national achievement test. It is definitely a huge challenge on their part because most of the children have difficulty attending classes since they come from low-income families and the fact that the school is situated in a remote area. How far will Chato and Jean go just to accomplish this mission?
With co-stars Julio Diaz, Sharlene San Pedro, Nikki Bagaporo, Kyle Balili, and Mica Torre, join Cristine and Irma as they showcase the true meaning of being passionate about one’s calling in Maalaala Mo Kaya.
"Reaction"

Isang bagay lamang ang nasigurado ko ng mapanood ko ang episode na ito ng Maalaala Mo Kaya, “masarap pala talagang maging musmos at mangarap lalo na kung ito’y may kaakibat na suporta at pagmamahal.”
Mula ng itanghal ito ng ABS CBN naintindihan kung lalo ang kahalagan ng isang guro sa ating pamayanan. Sila ang humuhubog sa musmos na kabataan at nagbibgay tanglaw sa kaninilang mga pangrap. Hindi biro ang sinasapit ng isang tagahubog sapagkat sinasakripisyo nila ang kanilang oras at panahon sa gitna ng walang kasiguraduhang pakikibaka. Saludo ako kay may Ma’am Chato at Ma’am Jean spagkat pinuno nila ng pagmamahal nag mag kabataang bago pa lamang sumisibol. Lahat ng kanilang sakrispisyo ay tila baga walang kaparis, walang kapantay at pawang sila lamang ang tunay na makagagawa nito. Gaano man nila dinanas ang hirap dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa kanilang pagtuturo hindi ito naging hadlang upang maibahagi nila ang kanilang sinumpaang propisyon. Sagad sa paghanga ang aking pinaabot at sanay marami pa ang tulad nyong may dakilang puso at pagibig sa kabataang pag asa ng ating bayan. Sana’y kamtin nyo ang biyayang dala ng inyong sakripisyo at ng sa gayo’y mapuno ng ligaya ang inyong puso. Ma’am Chato, ikaw ay isang buhay na bayani sa makabagong panahon, kaya dalangin ko sanay kamtin mo at ng iyong pamilya ang masaganang biyaya mula sa Poong Maykapal, hindi ko maihambing ang iyong dedikasyon sa kahit ano pa mang bagay sa Mundo sapagkat ikaw ay tunay na dakila. Ma’am Jean, gaano man kahirap ang iyong pinagdaraanan alam kung ibibigay sayo ng Poong maykapal ang ligayang para sayo, salamat sa sakripisyo mo bilang tao at bilang taghubog ng kabataang Gumapa.At sa kabataan ng Gumapa , kayo ang pinakadakilang magaaral sapagkat pinakita nyo na hindi hadlang ang kahirapan sa pagabot ng pangarap, sanay mahalin nyo ang inyong pinagmulan at sa huliy bigyan nyo sila ng kaligayahang walang hanggan. Taas noo kung ipgmamalaki na sa Pilipinas may isang paaralang punong puno ng pagibig at pagmamahal sa edukasyong biyaya ng poong Maykapal. Gabayan nawa kayong lahat ng poong maykapal. Sana’y maging isang ganap na Elementarya na kayo na sa palagay koy hindi Malabong maganap dahil sa husay na inyong pinapamalas. Mabuhay kayong lahat!!!

Sunday, September 6, 2009

SUKATAN

SUKATAN
(December 04,2007)
}
Sandakot na lupa ang iyo'y katulad
Nilipad ng hanging patungo sa ulap
Kumikislap sa langit na parang dagitab
Nagpapahiwatig ng bagong pangarap
}
Sandakot na lupa'y para lamang tinig
May bulong na tama ngunit lumilitis
Nakapupuwing kahit munti't tilig
Tila ba parusa sa mga tumatangis
}
Mahapdi sa mata ang bawat hagupit
Ulira't ay binabagabag, nitong bawat gupit
Haplos sa balat parang turok sa sakit!
May taglay na kurap at ningning na waglit
}
Dahop man ang naturan kung titingnan
May sakit , dusa at lupang walang inam
Tuntungan ng dukha pati na mayayaman
Ngayon pantay kayo sansinukob sangkatauhan!!!

INDAYOG

INDAYOG
(November 26, 2007)
}
Damhin ang init ng katawan
Nagliliyab na puso sa kawalan
Minsa'y nauumid, minsa'y sumisigaw
Umaalimpuyo, tila ba gugunaw
}
Konting ingat , konting dikit
Sobra na sa panagignip
Kalam na ang sikmura sa kaiisip
Madama lamang init mong pilit!
}
Naroon lamang bawat hagupit
Desisyo'y iyo na ring ipagkait
Gawin ang nais, hinog sa pilit
Resulta'y ,aywan siguradong waglit
}
Takam na ba ang iyong mga bisig?
Hiningay tila iba nag nais?
May indayog ang bawat pagtitig
Walang bahid ngunit walang tamis.
}
Sakaling iyo na ring makamit
Hayaan mo nang puso ang kumapit
Isip ay tibigan, damdamin ang sundin
Pagdarahop ay iyo ng tapusin!
}
Dibat't sa bawat pwersang pagsilip?
Minsay nakatungo, minsay nakatitig?
Matutunan ding indayog ay mapalirip
Bisig ay kusang magpapaniig!

Wednesday, September 2, 2009

MING - IKAW NA ANG MASUNOD

MING- Ikaw na ang masunod
( Alay sa isang kaibigang mahalaga sa aming Barkadahan)

Sa iyong kaarawan nais ko lamang sabihin
Ikaw ay binibining tumatak sa amin
Kami’y pinasaya at iyong pinangiti
Nagbigay liwanag sa mga pusong sawi

Noo’y sadyang di ka namin ka kilala
Ngunit ngayon ay andito ka na
Binigay ng Poon sa ami’y isang tugon
Sagot sa lungkot na dinala ng panahon

Walang iba kundi ikaw nais kong pasalamatan
Kasama na madlanag iyong kinalakihan
Iba ka sa lahat iba sa pangkaraniwan
Napapasaya mo kaming mga baguhan

At ngayong sumapit na iyong kaarawan
Tila may liwanag kaming naramdaman
Puso namiy nagagalak at nagbubunyi
Pagsilang moy isang pagpupunyagi

Dalangin ko lamang sa Poong Maykapal
Sanay gabayan ka sa iyong paglalakbay
Dagdagan ang lakas at mabuting aral
Mga panagarap ay dinggin habang nabubuhay


At sa huliy ako naman ang sa iyoy maghahandog
Isama na madlang ating nakadaop
Puso koy di man sa iyo’y sadyang dulog
Sa kaarawan mo MING ikaw na ang masunod!!!!

Thursday, August 27, 2009

“Umibig ka"

“Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao”

032909 ( 02:46 AM) JLOpalsa

Mahalaga ang bawat tao sa ating buhay sapagkat sila’y may kanya kanyang parte at iniiwang alaala sa atin. Mula ng ako’y natutong makipagkaibigan at umasa sa ligayang maibibigay sa akin ng aking kapwa, natuto na din akong magmahal at magpahalaga. Nais ko’y kapiling sa bawat oras kundi ma’y kaagapay sa masasaya at malulungkot na sandali ang ilang taong minamahal.Tunay ngang walang katumbas ang pagpapahalaga at pagibig, itoy kusang nararamdaman at biglang dumarating. Hindi kaylangan ng kung ano pa mang materyal na bagay upang ibigan ang isang pagkatao. Itoy nagkukusa at nilalambing nito ang ating puso.
Isa sa pinakamasarap na tagumpay ang umibig at maging buo sa kabila ng pagsubok at agam agam. Naniniwala ang ilang matatalinong tao na pag daw umibig ka hindi mo ito maipapaliwanag o di kayay maisasatinig sapagkat ito’y pakiramdam na walang katumbas sa mundo.
Nakikita mo ito sa iyong mga mata, nadarama mo ito sa iyong puso. Kulang ang buong magdamag upang isaisip mo ang ligayang iyong nadarama sa tuwing kapiling sya. Masaya ka habang ikaw ay nasasaktan at nabubuhay sa katotohanang hindi sa inyo ang habang buhay. Marahil nga mabait lamang sa iyo ang Diyos kung kayat’t hinayaan niyang ikaw ay umibig sa maling paraan at pagkakataon. Sa pagkakataong ito , nais mo lamang na sana’y bigyan ka pa ng pagkakataon na lubusin ang mga araw na kasama sya at mahalin ang kanyang mga ngiti at lambing . Sadya ngang makapangyarihan ang pagibig pag itoy natagpuan mo na. Sadya ngang masarap ito habang kapiling ang taong pinaglalaanan mo. Sadya ngang walang masamang sandali sa piling niya, lahat maligaya at lahat ay tila sapat na upang mabuhay ka.
Ngunit paano natin masasabi na ang pagibig na ating nadarama ay tama? Kaylangan bang may batas at alituntunin na susundin at lalampasan? Bakit kaylangan pa na tama ? Bakit kaylangan pa na may magtiis at masaktan? Bakit may maling pagibig sa mga taong umibig at umiibig din naman? Ganito ba talaga ang mundo, walang sapat na hustisya at paninindigan? Kaylangan ng ilan sa ati’y pang unawa at pusong bukas sa katotohanang may puso din ang ilan kaya nadarama ang ganitong damdamin. Kapag nadama mo ito, madarama mo ang maliwanag na kalooban. Kaloobang umunawa sa ibang tulad mo ding umiibig. Sapagkat walang maling damdamin at walang maling pangarap sa taong may pag ibig sa puso. Simple lamang naman ang hiling ng taong nakadarama ng pagibig, iyon ay pagbigyang silang isakatuparan ito habang may buhay ang kanilang minamahal. Ang tunay na pag ibig ay palaging nadarama kahit may suliranin at damdaming bigo. Tunay din ang pag ibig pag ito’y may tinig , galaw, nakapagbibigay kulay, nagkukubli sa dilim at nagaabang ng pagsikat ng araw. Ang sarap nitong damhin kapiling ang iyong tunay na mahal. Sana’y madama mo ito , sana’y nadama mo na ito at sanay naghihintay pa din siya sa iyong pagibig na wlang maliw….Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao…

Wednesday, August 26, 2009

NI WALANG PAMAGAT

NI WALANG PAMAGAT

(August 15, 2009

Matagal na akong sayo’y masaya
Walang pagsidlan ligayang nadama
Tapik sa puso’y mga alaala
Pagsasamahang di mapantayan ng iba

Noon ko pa sana nais na sabihin
Ipaalala sayo na matatapos din
Masasayang araw at magandang tanawin
Ngitiy papanaw damdamiy didilim

Alam kong batid mo yaong paglipas
Mga gunitang natabunan ng wakas
Kulang na sandaliy parang nagaaklas
Sapat na nga ba itong binalangkas?

Mga tanong na ngayon ko lang nalirip
Nalilito ako di malaman ang nasa isip
Ayaw ko ng magpahinga o kahit maidlip
Nag aalala na baka di na managinip

Pinagsamahan natiy walang kaparis
Magksama tayo sa lahat ng tamis
Sa pagsubok ay kapwa nagtitiis
Ikaw at ako handa sa pagbigkis

Sabay din nating sinuong yaong ligaya
Dala ng barkadahang nagbigay ng saya
Di tayo natinag kabay di pang isa
Ito’y para sa ating nagsamasama

Ngayo’y lito pa rin kung bakit malilimot
Di pa ba sapat pagsubok at pusong nagpatibok
Binuong pagibig kaibigay di natakot
Dalangan sa Poon atin sanang itampok

Masama man ang aking kalooban
Sa mga nagaganap sa aking kapaligiran
Nadama koy lungkot na tila katapusan
Walang pagsisi sa pusong kinalimutan

Dapat ko lamang yaon ay matiis
Sapagkta bukas ako nama’y iibig
Mga kaibigan malilimot kung pilit
Panibagong buhay saki’y muling sasapit

Tigang man sa ngayon sayong mga ngiti
Alam kung bukas ka sa bawat pighati
Pagdamay moy sana’y saki’y mapabisig
Sa pusoy babalot at syang magdidilig

At sa wakas na ating pagkakaibigan
Sanay wakas ito na walang hangganan
Naghihintay ako aking kaibigan
Paglimot walang puwang sating pagsasamahan

















ANG PAGKAKAIBIGAN

Ang Pagkakaibigan
(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na anu pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.