Monday, January 30, 2012

Sapul

Sumasalungat ang kabuoan kung pagkatao sa gusto ng puso ko...sasanib mula sa akin..ang dwelo ng pagdidisesyon at pagtitimbang ng dapat gawin sa pusong nalilito at isipang buhol buhol.


Wala akong maitatatwang pinagdaanan.. minsa pa.. ako'y muling hihinga at lilipas sa akin.. ang sali saliwang paginog ng adhikaing.. limot

Friday, January 27, 2012

Pagal

sasapit ako sa dulo ng pagtitiis
upang muliy huminga at manatiling mulat
ako'y muling kukurap
upang dilim ay magliwanag

sasakyan ko ang hanging dadampi
sa pagal kung katawang impis at said
isasama ko ang huli kung daing
upang panaginip ay maunang dumating

lalapagan ng lambot at sawi
dadampi ang bawat sandali
hihinga ako ng mabilis
babawiin ko nawalang ulirat





 

Sunday, January 8, 2012

Crush

Sa malayong pagiisa may diwa ang aking mata
.sa layo mo'y nasisilaw sa lakas ng iyong ganda..
. ikaw ay isang hanggang walang ganap na umpisa.!
Puso ko ay kumakabog sa linaw ng iyong saya.
.walang saplot na bahagya ang isipan kong paralisa.
.. Lilisan ka't iiwan mo mata koy lumuluha...

Tuesday, January 3, 2012

Hindi ako Dragon

Kung may pwede  lang e copy paste sa bahaging ito ginawa ko na.
Masyadong  nabubulunan ang puso ko sa pagkakataong ito..hindi tumatalab ang tinta ng ballpen ko.
Sa magandang paghingi ng paumanhin..wala muna akong sasabihin ..wala muna akong gagawin, ako muna ang makikinig at magtatanong. Hindi ako pinanganak sa panahon ng Dragon ... kakaiba na naman ako sa mga kasabayan ko... gagawa naman ako ng sarili kong mundo... susulat ka pa ba.. kung yaan ang laman ng puso mo?


Maligayang bati sa iyo ( may 4 pa akong bibilhan ng regalo)