Thursday, August 27, 2009

“Umibig ka"

“Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao”

032909 ( 02:46 AM) JLOpalsa

Mahalaga ang bawat tao sa ating buhay sapagkat sila’y may kanya kanyang parte at iniiwang alaala sa atin. Mula ng ako’y natutong makipagkaibigan at umasa sa ligayang maibibigay sa akin ng aking kapwa, natuto na din akong magmahal at magpahalaga. Nais ko’y kapiling sa bawat oras kundi ma’y kaagapay sa masasaya at malulungkot na sandali ang ilang taong minamahal.Tunay ngang walang katumbas ang pagpapahalaga at pagibig, itoy kusang nararamdaman at biglang dumarating. Hindi kaylangan ng kung ano pa mang materyal na bagay upang ibigan ang isang pagkatao. Itoy nagkukusa at nilalambing nito ang ating puso.
Isa sa pinakamasarap na tagumpay ang umibig at maging buo sa kabila ng pagsubok at agam agam. Naniniwala ang ilang matatalinong tao na pag daw umibig ka hindi mo ito maipapaliwanag o di kayay maisasatinig sapagkat ito’y pakiramdam na walang katumbas sa mundo.
Nakikita mo ito sa iyong mga mata, nadarama mo ito sa iyong puso. Kulang ang buong magdamag upang isaisip mo ang ligayang iyong nadarama sa tuwing kapiling sya. Masaya ka habang ikaw ay nasasaktan at nabubuhay sa katotohanang hindi sa inyo ang habang buhay. Marahil nga mabait lamang sa iyo ang Diyos kung kayat’t hinayaan niyang ikaw ay umibig sa maling paraan at pagkakataon. Sa pagkakataong ito , nais mo lamang na sana’y bigyan ka pa ng pagkakataon na lubusin ang mga araw na kasama sya at mahalin ang kanyang mga ngiti at lambing . Sadya ngang makapangyarihan ang pagibig pag itoy natagpuan mo na. Sadya ngang masarap ito habang kapiling ang taong pinaglalaanan mo. Sadya ngang walang masamang sandali sa piling niya, lahat maligaya at lahat ay tila sapat na upang mabuhay ka.
Ngunit paano natin masasabi na ang pagibig na ating nadarama ay tama? Kaylangan bang may batas at alituntunin na susundin at lalampasan? Bakit kaylangan pa na tama ? Bakit kaylangan pa na may magtiis at masaktan? Bakit may maling pagibig sa mga taong umibig at umiibig din naman? Ganito ba talaga ang mundo, walang sapat na hustisya at paninindigan? Kaylangan ng ilan sa ati’y pang unawa at pusong bukas sa katotohanang may puso din ang ilan kaya nadarama ang ganitong damdamin. Kapag nadama mo ito, madarama mo ang maliwanag na kalooban. Kaloobang umunawa sa ibang tulad mo ding umiibig. Sapagkat walang maling damdamin at walang maling pangarap sa taong may pag ibig sa puso. Simple lamang naman ang hiling ng taong nakadarama ng pagibig, iyon ay pagbigyang silang isakatuparan ito habang may buhay ang kanilang minamahal. Ang tunay na pag ibig ay palaging nadarama kahit may suliranin at damdaming bigo. Tunay din ang pag ibig pag ito’y may tinig , galaw, nakapagbibigay kulay, nagkukubli sa dilim at nagaabang ng pagsikat ng araw. Ang sarap nitong damhin kapiling ang iyong tunay na mahal. Sana’y madama mo ito , sana’y nadama mo na ito at sanay naghihintay pa din siya sa iyong pagibig na wlang maliw….Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao…

Wednesday, August 26, 2009

NI WALANG PAMAGAT

NI WALANG PAMAGAT

(August 15, 2009

Matagal na akong sayo’y masaya
Walang pagsidlan ligayang nadama
Tapik sa puso’y mga alaala
Pagsasamahang di mapantayan ng iba

Noon ko pa sana nais na sabihin
Ipaalala sayo na matatapos din
Masasayang araw at magandang tanawin
Ngitiy papanaw damdamiy didilim

Alam kong batid mo yaong paglipas
Mga gunitang natabunan ng wakas
Kulang na sandaliy parang nagaaklas
Sapat na nga ba itong binalangkas?

Mga tanong na ngayon ko lang nalirip
Nalilito ako di malaman ang nasa isip
Ayaw ko ng magpahinga o kahit maidlip
Nag aalala na baka di na managinip

Pinagsamahan natiy walang kaparis
Magksama tayo sa lahat ng tamis
Sa pagsubok ay kapwa nagtitiis
Ikaw at ako handa sa pagbigkis

Sabay din nating sinuong yaong ligaya
Dala ng barkadahang nagbigay ng saya
Di tayo natinag kabay di pang isa
Ito’y para sa ating nagsamasama

Ngayo’y lito pa rin kung bakit malilimot
Di pa ba sapat pagsubok at pusong nagpatibok
Binuong pagibig kaibigay di natakot
Dalangan sa Poon atin sanang itampok

Masama man ang aking kalooban
Sa mga nagaganap sa aking kapaligiran
Nadama koy lungkot na tila katapusan
Walang pagsisi sa pusong kinalimutan

Dapat ko lamang yaon ay matiis
Sapagkta bukas ako nama’y iibig
Mga kaibigan malilimot kung pilit
Panibagong buhay saki’y muling sasapit

Tigang man sa ngayon sayong mga ngiti
Alam kung bukas ka sa bawat pighati
Pagdamay moy sana’y saki’y mapabisig
Sa pusoy babalot at syang magdidilig

At sa wakas na ating pagkakaibigan
Sanay wakas ito na walang hangganan
Naghihintay ako aking kaibigan
Paglimot walang puwang sating pagsasamahan

















ANG PAGKAKAIBIGAN

Ang Pagkakaibigan
(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na anu pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.