Friday, August 12, 2011

Alauna alasdos..alastres!!!!

Bigyan mo ako ng tapang!
Tapang na walang inaatrasan
Bawat sibat at saltik ay kayang suungin
haharap at matatag na tatalima!

Bigyan mo na ako ng angas!
Upang lahat ay mamalikmata
sa aasalin ko't  isasagawa!
ako ay hahangaan at ipamamalita

Gawin mo akong matalino!
bawat bagay ay dapat alam ko
sasambit ako ng kakaibang salita
gagawa ng nakakamamanghang kutya!!!!

Isaboy mo sakin
kakisigan at mukhang walang kapares
kaayaaya sa panangin!!!b bubulagin ko sila!
ako lamang ang dapat na makita!

ako na!!! ako na !!!
pahingi ako ng lakas!
mamatay na..lahat ng aking ugat
hindi hihingi ang taong malakas!