Friday, February 19, 2010

Ang Kwento ng Isang

Ang Kwento ng Isang
(FA _FAILURE ANALYST, negosyante, estudyante o nanganagrap )
By request 022010


Gumagawa ako ngayon ng bagay na ikatutuwa ng sambayanang FA.

“Malayo pa ang aking pinanggalingan. Di ko pa lam kung hihinto na ba ako sa paglalakbay o kaya’y magpapahinga ng panandalian sa madamung lupa. Wala akong sapat na lakas sa ngayon, bagamat inihanda ko na ang aking sarili sa buhay na paparating. “
-----------Pinipilit ko lang bigyang kulay ang madilim na bahaging sasapit__________


Sa gitna ng unos mayroon daw pagsibol at liwanag na uumang. Sa bawat musmos may pangarap na nabubuo at bumabalangkas sa hiwahiwalay na sangkatauhan.

Noon doon umiikot ang mundo nya, mangarap habanng tumatakbo ang oras at magkubli sa gitna ng bawat pasakit. Buo ang kanyang paninindigan na makakamit nya sa hinaharap ang pangarap na walang kaparis. Sinikap nyang makatapos at buuin ang kanayang kawalan. Sinikap nyang Makita sa liwang kahit na may dilim ang daang kanyang tintahak. Buo ang suporta ng nakapaligid sa kanya, kahit na minsan iniisip nyang sya ay nagiisa, naapi at pinagkakaitan ng tadhana.


Lahat ng iyon nakayanan nya isama pa ang pagkalayo ng kanyang pamilya, pagkawala ng inaasam na karangalan sa pagtatapos at ang pagkakaroon ng batayang magsasabi na natapos nya ang gayong aralin.


Gaano kahalaga ang mga kaibigan, Paaralan , kemikal, makina , pamatid gutom ( Choco mani, bangus, peanut butter , mais at iba pa. ) kumunikasyon ( katulad ng cellphone, LOAD , Computer) at pera sa buhay nya.?

Dito nya Natagpuan ang tunay na kahulugan ng buhay. Dito nya ginugugol lahat ng sandaling meron sya. Walang nakahihigit sa kanyang puso kundi ang tumulong at matulungan syang maging masaya. Noon at ngayo’y wala daw pagkakaiba maliban sa mas marami syang pinagkakaabalahan . Kaylan may di nya naisip na sumuko sa pagsubok ng bawat aspetong yaon. Doon sya masaya , doon may kulay ang buhay nya.

Bilang kaibigan nya sanay maisip din nay sana na matutong magtabi para sa sarili nyang kapakanan. Madaming malapit sa kanya..madaming gustong kaibiganin sya sapagkat ang kanyang madalim na bukas ay positibo ang handog sa buhay ng iba.


Sanay maubos ang inaalok nyang tulong upang paminsay magising sya na nanatili ang ilan sa buhay natin dahil sa biyayang meron ang kandungang yaon..


At kung titimbangin SA HULI wala naman talagang halaga ang mga kaibigan, Paaralan , kemikal, makina , pamatid gutom ( Choco mani, bangus, peanut butter , mais at iba pa. ) kumunikasyon ( katulad ng cellphone, LOAD, Computer) at pera sa buhay nya.. sapagkat isa man syang FA , negosyante, estudyante o nangangarap.. sa huliy gusto lamang nyang maging masaya at magkaroon ng maraming kaibigan.. yan ang kwento ng ISANG FA.