Wednesday, January 26, 2011

Tunay na Pag-ibig

Tunay na Pag-ibig
060710

Naisip ko lang, madami pa pala akong hindi alam lalo na sa larangan ng pag ibig. Itoy Malabo palang matutunan, walang formulang kaylangang tignan at walang basihang dapat na tularan.

Nakailang pagibig na ba ako.? Noong Una binibilang ko, dati kasi sa una.. mahirap makalimutan, ganon din sa pangalawa , pangatlo at ilang alala ng pag ibig ko sa nakalipas. Noon doon ko binabase sa nakaraan ang ilang pagkakamaling ayaw ko ng gawin pang muli para sumaya ang relasyong meron ako ngayon. Lahat pinipilit kung maitama dahil ayaw ko ng masaktan pang muli. Noon May ilang beses kung ninais na baguhin ang lahat ng negatibong pinanggagalingan ng aking mga desisyon upang maging masaya ang aking minamahal partikular na din ako. Noon yon, noon na kaya ko pang balansehin ang buhay pagibig at buhay sa totoong buhay.! Noon na may lakas pa akong tumanggap ng kabiguan.

“ Masakit masaktan lalo na kapag alam mong sapat na at lahat ay pinilit mong ibigay o isabuhay para sa iyong minamahal. “

Tinalo ako ng setwasyon ko ngayon, ni wala akong karapatang magalit , magagawa ko lang ay saktan ang sarili ko at umiyak habang wala pang balitang magpapaampat ng dugong dumadaloy sa aking puso. Magisa, maghintay at magkubli sa isang lugar na maaaring paghatdan nya ng pagibig. Hindi sapat ang anumang bagay upang mapawi ang aking nararamdaman. Umiibig ako sa taong nakikita ko namang masaya din kapag kasama ako. Masaya naman sa mga kwento ko, at nakikinig sa mga binubulong ng puso ko. Hay!!! Malabo lang talaga ang aming set up.. Malabo na para bang ako lang ata ang umiibig na parang sya din. Ewan, noon ko pa sya kasama, ilang taon na ba yon..? Mahirap talagang angkinin ang isang taong wala naman kayong tamang matatawag na relasyon. Ang hirap, ang sakit!!! Ang hirap huminga kapag nasasaktan ka, kapag tila umaasa ka na sanay may magandang patunguhan ang gayong koneksyon nyo sa isat isa.

Madami talaga akong nais na gawin kasama sya, ako yong taong hindi mapaghangad at mapangarap sa isang relasyon.. maaaring iyon ang kulang sa akin, maaring iyon nga .. Dapat walang paghahangad o kayay hinahahnap, kung ano ang meron hanapan ng ngiti at ibalik ang ligayang nararapat. Sa ngayon, bigo ako.. bigo sa pag ibig at habang nararamdaman ko ito.. hindi ako manghihinayang na maghintay habang buhay.. dahil pag wala na akong nararamdaman na tulad nito ibig sabihin siguroy hindi na ako marunong magmahal..

Kulang na Tugon

Kulang na Tugon
(090210)

Sa loob ng mahabang panahon
Naisip kung buhay ay sadyang may layon
Bawat araw ay tila ba isang tugon
Sa mga panalanging dala ng kahapon

Maraming bahagi itong ating buhay
Mula sa pagsilang hanggang sa pagpanaw
Maraming hinagap maraming pangarap
Masayang bukas masayang paglipad

Narito ako ngayon madaming iniisip
Listahay bitbit tugon sa panaginip
Nais ko’y tuparin ang bawat iniisip
Damhin ang buhay tugon sa pagkainip

Alam nating lahat sariling pagkukulang
May kaakibat na hinanakit kapag sala sa inasam
Magtatanong mang pilit ……
Bakit ganon ang sinapit…?

Susubukin ka ng tadhanang mapaglaro
Gagawin kang buo kapag ikaw ay lito
Pupunan ang kulang sa iyong pagkatao
Pagiging musmos may iaalay sayo

Huwad din ang minsa’y akala mo’y sagot
Hanapan ng sapat na saya o lungkot
Gawing isang ginto at palasyong limot
Isiping tugon ay hindi na masisimot

Kapag dakay nawala , Hinagilap , hinanap
Ginawang maging sapat, minulat ang pangarap
Bawat pagiisay naging hudyat , naging armas
Lakas ay sandigan sa Panginoong maalam

At sa pagiibayo ng bawat pagusig
Iisaisahin lahat ng nagawa’t nalirip
Magsisimulang mangarap at muling iibig
Tugon may kulang buo kang sasapit

Monday, January 24, 2011

Masikip

Nagbabaga ang aking balat
kumikirot habang nagliliyab
sasabog na anomang oras
nagsisikip oh anong sarap


nagsisimula ng tumaghoy
umaalolong , naghihikahos
nangangatal at nangangalisag
masikip na ang aking pagbigkas

Dumadaing nagpapakagutom
manghihina sa dami ng itatapon
nagsisikip at ngayoy dadaloy
sasabog na sa huling paghagod

Sumisigaw at kumakapit
kumikirot at sumasalitid
nanaghoy nagapapakalango
sumisikip sigi pa ang hagod

ayan na ang aking tinipon
kaydami ng nasayang
natapon at sumabog
pinasikip ng iyong pagirog

madami pa ang nakatago
sisikip mulit guguho
sasabog sa muling pagdapo
simula na ng pagbugso!!!!!

ulan......maulan...