Saturday, October 10, 2015

Anino

Kung may isang araw sa buhay ko.
Pipiliin ko na maging isang damdamin.
Yong damdaming walang lungkot. 
Yong damdaming walang pagdadalawang isip.
Yong tipong sigurado
Yong parang isang anino
Walang anyo
Walang itsura
Nasa lugar
Pero alam mo kung saan galing
Hindi nagkukubli
Katulad ng ngiti
Hindi sasadyain
Hindi hahanapin
Nais ko maging damdamin
Kahit takot ako 
Kahit hindi ako sigurado
Kahit mahihirapan ako
Hindi ako bibitaw
Dahil gusto ko maging damdamin
Damdaming tulad ng anino
Kahit hindi mo sigurado
Kahit wala akong anyo
Maniniwala kang masaya ako
Mapapasaya ka
Kahit wala sa lugar
Kahit hindi mo sigurado
Papaniwalaan mo
Dahil ako ito
Hindi kung sino
Damdamin ko may tila anino.
Na binuo mo.
Na kahugis mo
Dahil ito ang damdaming kaya ko.



Alipin

Pinipilit ko na maging iyo
Sa bawat araw
Sa bawat oras
Nahihirapan ako
Nagdurusa
Ngunit para ito sayo
Pipilitin ko hanggat kaya ko maging iyo


Nagkukulong ako sa dilim
Lumuluha
Naghihintay
Kahit paghinga hirap ako
Lakas ko`y gumuguho
Nahihirapan
Ngunit ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng isip ko


Kinakalimutan ko maging masaya
Sa harap ng mga taong hindi mo kilala
Iiwas ako
Lilimutin ko
Masakit
Hindi ako ito
Magiisa
Mangangapa
Dahil ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng puso ko


Hindi ito kaduwagan
Pinipili ko ang landas na ito
Ito din ang gusto ko
Dahil para ito sayo
Kung hindi ko kayanin
Akoy patawarin mo
Baka hindi nga ako sapat
Baka kinukulang ako bilang tao
Pero pipilitin ko dahil ito ang gusto mo