Mahal kong O.R.C,
“ Gusto ko lang sabihin na masaya ako pag kasama ka”
Kamusta na ang pagdating mo sa buhay ko? Sana palagi kang pinapasaya at pinapaibig ng aking mga mensahe sayo. Binibigyan na kita ng karapatang pansinin lahat ng kilos ko at mga bagay na ikaw mismo ang sasaya maari mo nang tanggapin.
Ikaw pala ay mahilig sa pagmamahal, parehas tayo kaya siguro nakilala mo ako. Doon pala sa pinuntahan natin, at pinasyalan maari mo yong paulit ulit na alalahanin at ikwento sa akin upang maging masaya ka at ganon din ako. Talaga sigurong may mga pagkakataong inilalaan para matupad ang mga plano mo kaya naman sinasamahan kita sa lahat ng lakad mo at sumasangayon sa lahat ng gusto mo. Kung tatanungin mo nga pala ako kung gusto ko pang ulitin ang pamamasyal natin , wag kang magalala sasamahan kita tulad ng dati. Alam ko namang hilig mo din yon kaya nga di ako nagdadalawang isip na samahan ka.
Noong huli pala nating pagkikita , wag kang magalala hindi ako galit nong nagtampo ka, basta pinapangako ko na sa susunod wag ka na magagalit sakin dahil dina ako gagawa ng ikakasama ng loob mo. May nakalimutan ka pala sa bag ko , yong binili mo sa mercury drug na mineral water, dadalhin ko yon pagnagkita tayo, mahalaga iyon sayo dahil kinbahan ako ng bumili ka non.
Malapit na pala kaarawan mo tulad ng nabangit mo nong isang Lingo, wag kang magalala pag inembeta mo ako sasamahan kitang muli para sumaya ako. Pilitin mong maging masaya ang araw mong iyon dahil unang una kasama mo ako at pangalwa unang kaarawan mo yon na tayo ang magkasama kaya naman abot langit dapat ang ligaya mo .Ipaalala mo nga pala yong pangako ko na regalo sayo at ng mas espesyal ang araw mong iyon sa buhay ko.
Gusto ko lang sabihin na masaya ako pag kasama , maaring binubuo ko ang mundo mo pero sa bawat pagbuo niyon ay ang pag litaw ng bago kung pagasa sa larangan ng pagibig at dahil don , alam kong masaya ka.
Hindi nga pala ako mahilig magregalo kaya dapat pasalamatan mo ng lubos ang ibibigay ko, dahil subrang maligay ako pag tinanggap mo iyon.
Sana dalasan natin an ating lakad para naman hindi ka nagtataka sa pagbabago ko pagnagkikita tayo..
Magiingat ako palagi , wag mo akong isipin ng madalas.
Ang Iyong Manliligaw,
Joe
"Hindi biro ang sinasapit ng isang tagahubog sapagkat sinasakripisyo nila ang kanilang oras at panahon sa gitna ng walang kasiguraduhang pakikibaka"
Wednesday, August 4, 2010
Monday, July 5, 2010
Twilight - Eclipse Experience
Hindi naman talaga ako mahilig manood ng sine/movie , feeling ko kasi sayang ng pera eh lalabas din naman yon as DVD Copy or Pirated pa nga minsan ang nauuna. Kaya lang iba talaga yong experience ko kahapon eh.. Iba talaga eh, sobrang saya na parang kahit lahat ng palabas sa Movie house eh ok lang na panuorin namin. Heaven pala ang feeling pag kasama mo manood yong mahal mo, This is not my fisrt time pero parang nagsisimula ulit ako . Ang sarap, knowing na yong palabas eh Twilight( Eclipse) pero sa kanya attention ko, kung nageenjoy ba sya or baka naman may gusto sya. Gusto ko hawakan kamay nya or tanungin sya kung ok lang pero wala lumalabas sa bibig ko. Its just so happened pa na nasa gitna kami so talagang ang galaw ko eh bilang na bilang. Akala nyo ikekwento ko yong Movie ..hehehe.. I just share my new experience.. Kung alam nyo lang …yong ngiti nya yong pag hawak nya sakin..wow sobrang saya as in.. Hay…I love God Talaga kasi despite of the things na mga nagawa ko.. Pinapasaya pa din ako. Sana di na sya mawala… sana this time ito na..sna this time sya na talaga .. Sana this time.. Matutunan ko ng maging mas mapagpahalaga pa sa aking minamahal… Sarap talag ma inlove..hehehe. Sana kayo din maramdaman nyo ito .. .Salamat….070410 ( 3:20PM, Cinema4 @ Market2x- The Fort)
Labels:
Inlove ako ngayon
Monday, May 24, 2010
Ikaw ay ako
Pagluhay hindi kahulugan ng pagdurusa at pagtangis manapa'y hudyat ito ng paguumapaw ng damdaming kinurot ng emosyon.
Luhay dumadaloy sa ating mag pisngi at ito'y patuloy na dadaloy sa bawat bahagi ng ating katawan kung may laang daan upang itoy magpatuloy.
Lilikha ako ng isang bahagi ng aking luha. Likhain natin ang aking bawat pagsuong . Doon tayo magkita at doon tayo magsilbing bahagi ng bawat isa.
Kukunin ko ang lilipas at hahabulin mo ang nakaraan upang itoy ating maipagpatuloy at muli'y magsilbing ugat ng ating muling pagluha.
Kunin mo ang sandaling akoy nagiisa upang sa bawat paglikha moy magsilbi mo akong gabay at tagatangis sa iyong pagdurusa.
At magkusa tayong maging masaya upang sa ating pagdadaop palad ay may kikislap na luhang dadaloy mula sa ating mga mata.
Luhay dumadaloy sa ating mag pisngi at ito'y patuloy na dadaloy sa bawat bahagi ng ating katawan kung may laang daan upang itoy magpatuloy.
Lilikha ako ng isang bahagi ng aking luha. Likhain natin ang aking bawat pagsuong . Doon tayo magkita at doon tayo magsilbing bahagi ng bawat isa.
Kukunin ko ang lilipas at hahabulin mo ang nakaraan upang itoy ating maipagpatuloy at muli'y magsilbing ugat ng ating muling pagluha.
Kunin mo ang sandaling akoy nagiisa upang sa bawat paglikha moy magsilbi mo akong gabay at tagatangis sa iyong pagdurusa.
At magkusa tayong maging masaya upang sa ating pagdadaop palad ay may kikislap na luhang dadaloy mula sa ating mga mata.
Labels:
pagibig at pagiisa
Wednesday, May 12, 2010
Tula Ko
Hindi lahat ng tula ay masaya
Meron ding malungkot
Mayroong walang buhay
Minsan nga ang tula hindi na naiisilang
Minsan itoy nakukunan din tulad ng isang buhay na malayang kitlin ng tadhana.
Ngunit gusto ko pa din maging tula,
Nais ko pa din magkaroon ng tugma
Pipilitin kung mabuo ang taludtod at bahagi niyon
Kaya nga
Ngayon din kukunin kita upang maging aking tagalikha.
Meron ding malungkot
Mayroong walang buhay
Minsan nga ang tula hindi na naiisilang
Minsan itoy nakukunan din tulad ng isang buhay na malayang kitlin ng tadhana.
Ngunit gusto ko pa din maging tula,
Nais ko pa din magkaroon ng tugma
Pipilitin kung mabuo ang taludtod at bahagi niyon
Kaya nga
Ngayon din kukunin kita upang maging aking tagalikha.
Labels:
tula
Thursday, April 29, 2010
Muling Pagsilang
Sanggol na walang malay
Inang nakahimlay
damdaming makulay
pusong naghihintay
Inang nagdusa
Binigyan ng pagasa
Puno ng ligaya
Buhay anong saya
Sapat na ang ngiti
Iganti sa pighati
iyak na pambawi
binuo ang sandali
Noo'y nakangiti
mundo'y binabati
kusang namulat
sa pag-ibig ay di salat
Hikbing umalingawngaw
Musikang anong bughaw
Dugong nakabalot
Sa katawan mong dulot
Nilirip na pangalan
Nalilitong isipan
Bubo’t na kalamnan
Bisig ang syang unan
Panahoy lilipas
Lalakit lilikas
Kataway aalpas
Hahanap ng armas
Sa mundo’y haharap
Buo ang pangarap
Namulat sa hirap
Nais itong sarap
Ngayoy inay nagiisa
Bisig ay pagal pa
Hanap yaong iniluwal
Maghihintay sa pagtunghay
Muling magtitiis
Sakit ay magbabalik
Dusay muling sasapit
Magkukubli sa panaginip
At sa bawat sakit
Supling ang tinatangis
Nais yaong halik
At dantay ng kanyang bisig
Bakit ganon ang palad
Nitong Inang tumupad
Bawat gabiy naging ganap
Bawat araw isang iglap
Bata noong ikaw ay iluwal
Pagasa nyay naging ikaw
Hikbing noo’y umalingawngaw
Bumuo sa isang pagmamahal
Sadya bang ito ang hangad
Kapalarang walang ingat’
Ibinigay ng Ina ang lahat
Sa anak na nagtangis
Tunay na ang kapalara’y
Mapaglaro’t mapagbigay
Doon ako sa tagumpay
Doon ako sa pagsikhay
Ina may naghihirap
Ina may wala nang pangarap
Ina paring sasapit ka’t
Sa langit ay dingging ganap!!!
Inang nakahimlay
damdaming makulay
pusong naghihintay
Inang nagdusa
Binigyan ng pagasa
Puno ng ligaya
Buhay anong saya
Sapat na ang ngiti
Iganti sa pighati
iyak na pambawi
binuo ang sandali
Noo'y nakangiti
mundo'y binabati
kusang namulat
sa pag-ibig ay di salat
Hikbing umalingawngaw
Musikang anong bughaw
Dugong nakabalot
Sa katawan mong dulot
Nilirip na pangalan
Nalilitong isipan
Bubo’t na kalamnan
Bisig ang syang unan
Panahoy lilipas
Lalakit lilikas
Kataway aalpas
Hahanap ng armas
Sa mundo’y haharap
Buo ang pangarap
Namulat sa hirap
Nais itong sarap
Ngayoy inay nagiisa
Bisig ay pagal pa
Hanap yaong iniluwal
Maghihintay sa pagtunghay
Muling magtitiis
Sakit ay magbabalik
Dusay muling sasapit
Magkukubli sa panaginip
At sa bawat sakit
Supling ang tinatangis
Nais yaong halik
At dantay ng kanyang bisig
Bakit ganon ang palad
Nitong Inang tumupad
Bawat gabiy naging ganap
Bawat araw isang iglap
Bata noong ikaw ay iluwal
Pagasa nyay naging ikaw
Hikbing noo’y umalingawngaw
Bumuo sa isang pagmamahal
Sadya bang ito ang hangad
Kapalarang walang ingat’
Ibinigay ng Ina ang lahat
Sa anak na nagtangis
Tunay na ang kapalara’y
Mapaglaro’t mapagbigay
Doon ako sa tagumpay
Doon ako sa pagsikhay
Ina may naghihirap
Ina may wala nang pangarap
Ina paring sasapit ka’t
Sa langit ay dingging ganap!!!
Labels:
Inay at nanay
Tuesday, March 9, 2010
Gumising Ka!!!
Nakita kita sa banding itaas
Dala mo yaong bagay na kaybigat
Nakita kitang hirap na hirap
Lalo na noong ikay umiiyak.
Natanong kita sa iyong kalagayan
Tanging ngiti lamang aking namulatan
Langit ay tila yata sayo’y nagdaramdam
Ulang dapat ay pumapatak ayaw magparamdam
Namagitan sa atin ay kalungkutan
Sa bandang palusong ikaw ay nagtanong
Masaya ka ba kahit na gayon?
Pag asay wala na , Paibig sa Poon?
Sadyang ako’y biglang nabalisa
Hinagilap ang ngiti pamatong sa mukha
Tinapik ang balikat kausap koy dukha
Ayaw ng Pagasa ayaw pa sa Himala
Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan
Ikaw pala itong tunay na makasalanan
Dali mo’y galit nais ay masaktan
Ayaw sa kapwang magbigay kapatawaran
Kung ang yong dinadalay tunay na mabigat
Ka awa- awa ka kung sa pagibig ay salat
Luha moy sayang , ilaan sa pagmulat
Doon sa itaas ibalik ang pangungusap!
Dala mo yaong bagay na kaybigat
Nakita kitang hirap na hirap
Lalo na noong ikay umiiyak.
Natanong kita sa iyong kalagayan
Tanging ngiti lamang aking namulatan
Langit ay tila yata sayo’y nagdaramdam
Ulang dapat ay pumapatak ayaw magparamdam
Namagitan sa atin ay kalungkutan
Sa bandang palusong ikaw ay nagtanong
Masaya ka ba kahit na gayon?
Pag asay wala na , Paibig sa Poon?
Sadyang ako’y biglang nabalisa
Hinagilap ang ngiti pamatong sa mukha
Tinapik ang balikat kausap koy dukha
Ayaw ng Pagasa ayaw pa sa Himala
Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan
Ikaw pala itong tunay na makasalanan
Dali mo’y galit nais ay masaktan
Ayaw sa kapwang magbigay kapatawaran
Kung ang yong dinadalay tunay na mabigat
Ka awa- awa ka kung sa pagibig ay salat
Luha moy sayang , ilaan sa pagmulat
Doon sa itaas ibalik ang pangungusap!
Labels:
May himala
Monday, March 1, 2010
Sino ang Makapagpapasaya?
Ako.
Ang makapagpapasaya.
Sa ako?
Ikaw o ako?:
Masaya ka ba?
Maysasaya pa ba sa ikaw?
Kung ako?
Ano ba ang masaya?
Sino ba ang masaya?
Tayo ba?
Sila ba?
Doon ba?
Siguro ikaw?
Pwede ring ako?
Marahil hindi.
Ikaw!
Lalong…!
Ako?
O sila?
Ang makapagpapasaya?
Sa kanya!
O…
Sa akin.
Ikaw o ako.
Ikaw na nga!
Ang masaya ay ikaw.
Hindi ako
O…
Sila.
Lalong hindi ang Doon!
Dahil ikaw!
Ang.
Makapagpapasaya.
Ako ba?
O…
Ikaw?
Ikaw ba yon?
O…
Ako?
Tinitignan nga.
Kita.
Baka ikaw?
Di kita masilayan?
Dahil
Sa
Ako!
Ang makapagpapasaya
Sa
Ikaw.
O…
Ikaw ba?
Hindi siguro?
Ikaw na sana?
O baka sila?
A baka ako?
Ikaw din?
O…
Ako.
Ang makapagpapasaya ay sila.
Ba?
Baka doon?
O…
Saan?
O..
Sino?
O
Paano?
Baka ako?
At…
Ikaw?
Ang makapagpapasaya…
Sa…
Mundo
Ni
AKO.
Friday, February 19, 2010
Ang Kwento ng Isang
Ang Kwento ng Isang
(FA _FAILURE ANALYST, negosyante, estudyante o nanganagrap )
By request 022010
(FA _FAILURE ANALYST, negosyante, estudyante o nanganagrap )
By request 022010
Gumagawa ako ngayon ng bagay na ikatutuwa ng sambayanang FA.
“Malayo pa ang aking pinanggalingan. Di ko pa lam kung hihinto na ba ako sa paglalakbay o kaya’y magpapahinga ng panandalian sa madamung lupa. Wala akong sapat na lakas sa ngayon, bagamat inihanda ko na ang aking sarili sa buhay na paparating. “
-----------Pinipilit ko lang bigyang kulay ang madilim na bahaging sasapit__________
Sa gitna ng unos mayroon daw pagsibol at liwanag na uumang. Sa bawat musmos may pangarap na nabubuo at bumabalangkas sa hiwahiwalay na sangkatauhan.
Noon doon umiikot ang mundo nya, mangarap habanng tumatakbo ang oras at magkubli sa gitna ng bawat pasakit. Buo ang kanyang paninindigan na makakamit nya sa hinaharap ang pangarap na walang kaparis. Sinikap nyang makatapos at buuin ang kanayang kawalan. Sinikap nyang Makita sa liwang kahit na may dilim ang daang kanyang tintahak. Buo ang suporta ng nakapaligid sa kanya, kahit na minsan iniisip nyang sya ay nagiisa, naapi at pinagkakaitan ng tadhana.
Lahat ng iyon nakayanan nya isama pa ang pagkalayo ng kanyang pamilya, pagkawala ng inaasam na karangalan sa pagtatapos at ang pagkakaroon ng batayang magsasabi na natapos nya ang gayong aralin.
Gaano kahalaga ang mga kaibigan, Paaralan , kemikal, makina , pamatid gutom ( Choco mani, bangus, peanut butter , mais at iba pa. ) kumunikasyon ( katulad ng cellphone, LOAD , Computer) at pera sa buhay nya.?
Dito nya Natagpuan ang tunay na kahulugan ng buhay. Dito nya ginugugol lahat ng sandaling meron sya. Walang nakahihigit sa kanyang puso kundi ang tumulong at matulungan syang maging masaya. Noon at ngayo’y wala daw pagkakaiba maliban sa mas marami syang pinagkakaabalahan . Kaylan may di nya naisip na sumuko sa pagsubok ng bawat aspetong yaon. Doon sya masaya , doon may kulay ang buhay nya.
Bilang kaibigan nya sanay maisip din nay sana na matutong magtabi para sa sarili nyang kapakanan. Madaming malapit sa kanya..madaming gustong kaibiganin sya sapagkat ang kanyang madalim na bukas ay positibo ang handog sa buhay ng iba.
Sanay maubos ang inaalok nyang tulong upang paminsay magising sya na nanatili ang ilan sa buhay natin dahil sa biyayang meron ang kandungang yaon..
At kung titimbangin SA HULI wala naman talagang halaga ang mga kaibigan, Paaralan , kemikal, makina , pamatid gutom ( Choco mani, bangus, peanut butter , mais at iba pa. ) kumunikasyon ( katulad ng cellphone, LOAD, Computer) at pera sa buhay nya.. sapagkat isa man syang FA , negosyante, estudyante o nangangarap.. sa huliy gusto lamang nyang maging masaya at magkaroon ng maraming kaibigan.. yan ang kwento ng ISANG FA.
Sunday, January 24, 2010
Gusto sana Kita..nahihiya lang ako
Isang araw bigla kang dumating
habang akoy naghihintay at napapraning
di kita pinansin o nilingun man lamang
wala akong balak na ikaw ay tingnan
habang akoy naghihintay at napapraning
di kita pinansin o nilingun man lamang
wala akong balak na ikaw ay tingnan
Subscribe to:
Posts (Atom)