Wednesday, August 4, 2010

Mahal kong ORC

Mahal kong O.R.C,

“ Gusto ko lang sabihin na masaya ako pag kasama ka”

Kamusta na ang pagdating mo sa buhay ko? Sana palagi kang pinapasaya at pinapaibig ng aking mga mensahe sayo. Binibigyan na kita ng karapatang pansinin lahat ng kilos ko at mga bagay na ikaw mismo ang sasaya maari mo nang tanggapin.

Ikaw pala ay mahilig sa pagmamahal, parehas tayo kaya siguro nakilala mo ako. Doon pala sa pinuntahan natin, at pinasyalan maari mo yong paulit ulit na alalahanin at ikwento sa akin upang maging masaya ka at ganon din ako. Talaga sigurong may mga pagkakataong inilalaan para matupad ang mga plano mo kaya naman sinasamahan kita sa lahat ng lakad mo at sumasangayon sa lahat ng gusto mo. Kung tatanungin mo nga pala ako kung gusto ko pang ulitin ang pamamasyal natin , wag kang magalala sasamahan kita tulad ng dati. Alam ko namang hilig mo din yon kaya nga di ako nagdadalawang isip na samahan ka.


Noong huli pala nating pagkikita , wag kang magalala hindi ako galit nong nagtampo ka, basta pinapangako ko na sa susunod wag ka na magagalit sakin dahil dina ako gagawa ng ikakasama ng loob mo. May nakalimutan ka pala sa bag ko , yong binili mo sa mercury drug na mineral water, dadalhin ko yon pagnagkita tayo, mahalaga iyon sayo dahil kinbahan ako ng bumili ka non.

Malapit na pala kaarawan mo tulad ng nabangit mo nong isang Lingo, wag kang magalala pag inembeta mo ako sasamahan kitang muli para sumaya ako. Pilitin mong maging masaya ang araw mong iyon dahil unang una kasama mo ako at pangalwa unang kaarawan mo yon na tayo ang magkasama kaya naman abot langit dapat ang ligaya mo .Ipaalala mo nga pala yong pangako ko na regalo sayo at ng mas espesyal ang araw mong iyon sa buhay ko.


Gusto ko lang sabihin na masaya ako pag kasama , maaring binubuo ko ang mundo mo pero sa bawat pagbuo niyon ay ang pag litaw ng bago kung pagasa sa larangan ng pagibig at dahil don , alam kong masaya ka.

Hindi nga pala ako mahilig magregalo kaya dapat pasalamatan mo ng lubos ang ibibigay ko, dahil subrang maligay ako pag tinanggap mo iyon.


Sana dalasan natin an ating lakad para naman hindi ka nagtataka sa pagbabago ko pagnagkikita tayo..

Magiingat ako palagi , wag mo akong isipin ng madalas.

Ang Iyong Manliligaw,

Joe